Labis ang pagkandismaya ng isang babae matapos o-border ng laptop online. Ang kanya kasing masayang unboxing napalitan ng lungkot ng makita ang laman ng kahon na isa palang kahoy.
Halos P29,000 na brand new laptop ang binili ni Cheena Salvador online Pero sa halip na laptop ay kahoy ang laman. Base umano sa researh ng biktima ay legit naman umano ito at sikat naman na seller. Marami din umanong followers at flagship store din.
Dahil sa nangyari, nagfile na ng reklamo at request for refund and biktima. Paliwanag naman ng online seller, nagreport na sila ng claim for a lost item Nawawala raw ang kanilang ipinadalang client parcel.
Ayon sa Department of Trade and Industry Marami option ang biktima na Magfile sa DTI tulad ng deceptive sale. Ang parusa natin ay up to 300,000 Pwede rin siya magfile ng criminal case.
Agad namang naibalik ng online seller sa buyer ang ibinayad na pera. Nais ng biktima na maging babala ito para sa mga taong bibili online Na maging mapanuri sa mga online store.
Paalala naman ng DTI sa mga mahilig mag online shopping Pag bumibili online, kailangan i-check nila kung ano yung item na binibili nila Bumili lamang sa authorized or yung trusted na seller nila Tapos pairalin yung habit na maging mapagduda.
Never pay in advance when buying online items .. always COD..