P67 na ang bigas sa naga city, pero ayon sa grupong bantay bigas umaabot pa sa P75 kada kilo ang bigas sa iba pang lugar sa bicol. Habang P60 ang pinakamababa sa mindoro na isang rice producing province.
P58 hanggang P60 ang kilo ng bigas pero palaging binabanggit ng gobyerno na may stock tumaas ang ating production pero nananatiling napakataas yung presyo ng bigas mas tumaas pa lalo.
Dapat sana ay pababa ang presyo, kasi yung production natin tumaas may importation pa tayo. Sa isang tindahan sa quezon city P60 pataas din ang benta sa bigas.
Ayon pa sa bantay bigas hindi ramdam ng mga consumer ang sinasabi ng department of agriculture ng mga solusyon para mapababa ang presyo ng bigas.
Ayon sa kasi kay BBM, aayusin niya yung pagtatayo ng mga post harvest facilities, aayusin niya yung cold storage, pero hindi nila talaga niroroot out yung dahilan kung bakit tuloy tuloy yung kakapusan natin sa pagkain.
Ayon sa department of agriculture sinisikap ng pamahalaan na tulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan halimbawa ng pamimigay ng binhi patubig at mga makinarya para mapadami ang produksiyon ng bigas.
Bumaba ang produksyon ng bigas ngayong taon pero gumagawa raw ng mga paraan ng pamahalaan para masigurong may sapat na supply ng bigas sa bansa.
Nakikipag usap na daw ito sa Vietnam para dun sa five year frame work agreement pero nagda diversify na din daw ng sources ng bigas sa mga kalapit bansa.
Pati mga de latang sardinas na isa sana sa mga abot kayang pang ulam nagmahal na rin inaprubahan na kasi ng DTI ang dalawang piso o higit pang taas presyo sa ilang brand.