Xian Lim Hindi Gusto ng Pamilya ni Kim Chiu kaya Nakipag Hiwalay

Xian Lim Nagpaluto pa ng STEAK Bago BREAK-UP dahil di Tanggap ng Pamilya ni Kim Chiu
Xian Lim Nagpaluto pa ng STEAK Bago BREAK-UP dahil di Tanggap ng Pamilya ni Kim Chiu

Xian Lim Nagpaluto pa ng STEAK Bago BREAK-UP dahil di Tanggap ng Pamilya ni Kim Chiu

Kahit matagal nang nangyari ang hiwalayang Kim Chiu at Xian Lim, may mga nanghihingi pa rin umano ng impormasyon kay Cristy Fermin kung paano nga ba naganap ang lahat.

Ayon kay Nanay Cristy, sinabi umano ni Xian Lim kay Kim Chiu na tapusin na lang nila ang kanilang relasyon, total naman hindi rin daw siya gusto ng pamilya ni Kim Chiu.

At ito pa ang nakakaloka! Ayon rin umano sa source ni Ogie Diaz,”, nagpaluto pa nga daw ng steak itong si Xian Lim! At habang kumakain sila ay sinabi ni Xian Lim na tapusin na natin ang relasyong ito. Total naman hindi rin naman ako gusto ng pamilya mo. Napakasakit ito para kay Kim Chiu.

Hindi kaya ginawa lang dahilan ito ni Xian para matapos na ang kanilang relasyon? For 12 years, bakit ngayon lang na-realize ni Xian Lim na ayaw sakanya ng pamilya ni Kim Chiu?

Napakababaw nga nama ng dahilang iyon dahil kung talagang mahal mo ang isang tao kahit hadlang ang pamilya o lahat ng tao sa pag iibigan ninyo ay ipaglalaban mo.

Ang pagibig ay parang investment yan. Nagti-take tayong lahat ng risk. Naglalaan tayo ng oras at panahon para sa taong mahal natin. Lahat tayo willing sumugal sa ngalan ng pagibig. At sa isang relasyon, kung talagang mahal mo ang isang tao dapat mahalin mo din ang kanyang pamilya.

At ito pa ha?! Ayon sa mga lumabas na kwento ay si Xian Lim daw ang nagwakas ng kanilang relasyon. Ngunit ayon naman umano sa kampo ni Kim Chiu ay mutual decision pala ang hiwalayan. Hindi rin naman daw pwede na si Xian lang ang magdesisyon. Kaya Mutual Decision daw ‘yun.

Kayo mga ka-chikka, ano ang opinion ninyo dito?

Comments

No comments yet. Why don’t you start the discussion?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *